^

Probinsiya

27 NPA rebels sumuko ssa Cagayan

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Nasa 27 na miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa tropa ng gobyerno sa lalawigang ito, ayon sa ulat ng militar kamakalawa.

Ayon sa pamunuan ng 5th Infantry Division (5ID) ng Philippine Army na nakabase sa Gamu, Isabela, iprinisenta ng 501st Infantry Brigade ang 21 sa kabuuang 27 na nagbalik-loob sa pamahalaan sa sub-capitol ng lalawigan sa Bangag, Lal-lo.

Sa kabuuang bilang, umabot sa 9 ang sumuko sa hanay ng 17th Infantry Battalion (IB) kung saan 4 sa mga ito ay mula sa bayan ng Sto Nino, 4 din sa bayan ng Rizal at 1 naman sa Conner, Apayao.

Nasa 11 naman ang sumuko sa hanay ng 77th IB na kinabibilangan ng anim mula sa bayan ng Sto. Niño, talo sa Baggao, tig-isa sa Gattaran at Sta. Teresita habang isa pang rebelde ang sumuko sa tropa ng Marine Battalion Landing Team (MBLT10). 

Sa kanyang pahayag, nangako si Governor Manuel Mamba na ihahanapan niya ng trabaho ang mga nagbalik-loob na rebelde na ayon sa kanilang mga kakayahan.

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with