^

Probinsiya

P285 milyong droga sinunog ng PDEA sa Albay

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Aabot sa P285,907,061 milyong halaga ng shabu at pinatuyong dahon ng marijuana ang sinunog ng Philippine Drug Enforcement Unit (PDEA) 5 matapos payagan ng korte ang pagsira ng mga droga makaraang gamitin ito bilang ibidensya sa kiln incinerator ng Goodfound Cement Factory sa Brgy. Palanog sa bayan ng Camalig ng lalawigang ito noong Sabado.

Pinangunahan mismo nina PDEA-5 OIC regional director Direcror ll Marjorie Ballesteros at Judge Timoteo Panga Jr., executive judge ng Iriga City, Camarines Sur Regional Trial Court, Branch 60 ang pagsira ng 41.888 kilo ng methamphetamine hydrocloride (shabu) na nagkakahalaga ng P284,840,444 at 8.8884 kilo ng pinatuyong dahon ng marijuana na may halagang P1,066,617.58.

Ginawa ang pagsira sa mga droga sa pamamagitan ng inci­nerator bilang pagsunod sa kautusan ng Department of Environment and Natural Resources na pagbabawal sa pagsunog ng anumang may kemikal na bagay sa open air.

Ayon kay Ballesteros, ang sinunog na mga droga ay naipon sa mahigpit at malawakang operasyon ng PDEA sa ibat-ibang lugar sa buong Bicol noong 2019 at makaraang gamitin itong ebedensya sa korte ng mga state-prosecutors.

Pinuri naman ni Judge Panga ang ahensya sa mga hakbang upang masugpo ang problema sa ilegal na droga ng buong rehiyon at nagpahayag sa patuloy na mahigpit na pakikipagtulungan ng korte para sa mabilisang resolusyon ng mga kasong naisasampa laban sa mga suspek.

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with