^

Probinsiya

Kandidatong konsehal, 1 pa utas sa ambush

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Kandidatong konsehal, 1 pa utas sa ambush
Sa ulat, dead-on-the-spot sina Rogelio Esguerra Salvador Jr., 42-anyos at Joel Manuel Salvador, 44, habang nakaligtas ang kasamang driver na si Arnel Caparas na nagtamo ng sugat sa katawan.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Patay isang kumakandidatong konsehal at kasama nito habang isa pa ang sugatan nang tambangan at pagbabarilin ang kanilang sinasakyang SUV ng hindi nakilalang mga suspek sa San Simon, Pampanga kahapon ng umaga.

Sa ulat, dead-on-the-spot sina Rogelio Esguerra Salvador Jr., 42-anyos at Joel Manuel Salvador, 44, habang nakaligtas ang kasamang  driver na si Arnel Caparas na nagtamo ng  sugat sa katawan.

Sa report ni PNP Provincial Director P/Col. Robin Sarmiento naganap ang insidente dakong alas-8:30 ng umaga  sa Bambang Road, San Miguel, San Simon.

Sakay umano ang mga biktima ng Chevrolet Trailblazer SUV (CDZ-5651) na minamaneho ni Caparas nang salubingin sila ng isang kotse lulan ang mga suspek.

Bigla na lamang pinagbabaril ng mga suspek ang sasakyan ng  mga biktima.

Tinitingnan ng pulisya ang anggulo na pulitika ang motibo sa krimen dahil wala naman kaaway  ang  mga biktima.

Sa tala ng mga pulis, ito ang kauna-unahang kaso ng ambush sa Pampanga bago ang May 9, 2022 National at Local Election.

vuukle comment

SUV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with