^

Probinsiya

NLEX toll lanes gagamit na ng ALPR system, RFID

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
NLEX toll lanes gagamit na ng ALPR system, RFID
Ayon sa NLEX, ang mga toll lanes sa Meycauayan, Bocaue, Balagtas, Tabang, Sta. Rita sa Bulacan, at San Fernando at Angeles sa Pampanga ay magkakaroon na ng bagong early detection system simula sa susunod na buwan.
STAR/ File

Sa lalawigan ng Bulacan at Pampanga

MANILA, Philippines — Simula sa Disyembre ay gagamit na ang North Luzon Expressway (NLEX) toll lanes na nasa mga lalawigan ng Bulacan at Pampanga, ng automatic license plate recognition (ALPR) system habang sa Enero 2022 naman ay sisimulan na rin nila ang paggamit ng Radio Frequency Identification (RFID), bilang bahagi ng patuloy na pag-a-upgrade ng kumpanya ng kanilang toll collection system.

Ayon sa NLEX, ang mga toll lanes sa Meycauayan, Bocaue, Balagtas, Tabang, Sta. Rita sa Bulacan, at San Fernando at Angeles sa Pampanga ay magkakaroon na ng bagong early detection system simula sa susunod na buwan.

Dahil sa naturang upgrades, na ang layuning paghusayin pa ang kanilang serbisyo sa mga kostumer, ang kabuuang bilang ng mga NLEX at Subic Clark Tarlac Expressway (SCTEX) lanes na may ALPR system, ay aabot na sa 95 habang 217 ang mayroong early detection features.

Nabatid na ang naturang ALPR system ay gumagamit ng “smart camera” upang basahin ang vehicle license plates para sa mas madaling pag-match ng RFID transactions ng mga motorista.

Sinabi ni NLEX Corp. President at General Ma­nager Luigi Bautista na una nilang ipinatupad ang ALPR system sa NLEX Balintawak at sa Valenzuela City, partikular na sa Mindanao, Karuhatan, at Paso de Blas toll lanes.

Maging ang mga toll lanes naman sa SCTEX Tarlac ay mayroon na rin ng naturang sistema.

Ang RFID early detection feature ay inaasahang ipatutupad na rin sa 29 pang toll lanes simula sa Enero 2022 upang mapalakas ang detection capability ng mga RFID.

Ani Bautista, sa tulong nito, ang mga enhanced RFID scanners ay kayang maka-detect ng hanggang tatlong behikulo ng advance at mabilis na maipoproseso ang toll lane transactions.

vuukle comment

NLEX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with