^

Probinsiya

Ahente ng palay inambus ng tandem, patay

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon
Ahente ng palay inambus ng tandem, patay
Kinilala ng pulisya ang napatay na biktima na si Luisito Soriano Reyes, may-asawa ng Barangay Mallorca, rito, habang inaalam pa ang pagkaka­kilanlan ng dalawang lalaking suspek.
STAR/ File

SAN LEONARDO, Nueva Ecija, Philippines — Nasawi ang isang 48-anyos na lalaking nag-aahente ng palay makaraang pagbabarilin ng dalawang ‘di nakilalang salarin na sakay ng isang motorsiklo habang ang biktima ay nagmamaneho ng owner type jeep sa kahabaan ng municipal road na sakop ng Barangay Mambangnan, dito, noong Biyernes ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang napatay na biktima na si Luisito Soriano Reyes, may-asawa ng Barangay Mallorca, rito, habang inaalam pa ang pagkaka­kilanlan ng dalawang lalaking suspek.

Nabatid sa ulat na bandang alas-7 ng umaga, sakay ang biktima ng kanyang ower type jeep na may plakang TKK-634 at patungo sa Barangay Nieves ng nasabi ring bayan upang makipagkita umano sa kanyang kliyente roon.

Habang binabagtas umano ng biktima ang kahabaan ng municipal road ng Barangay Mambangnan ay may isang single na motorsiklo na lulan ng dalawang lalaki ang umoberteyk sa biktima at doo’y basta na lamang na pinagbabaril ang walang kamuwang-muwang na biktima.

Nang masigurong patay na ang biktima ay agad na nagsitakas ang mga suspek patungo sa direksyong timog.

Sa ngayon ay tini­tingnan pa ng pulisya ang nakuhang cctv foo­tages at maging ang pahayag ng mga nakakita sa pangyayari upang makatulong sa mabilis na ikalulutas ng kaso.

vuukle comment

LUISITO SORIANO REYES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with