^

Probinsiya

3 trabahador nakuryente, dedo

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
3 trabahador nakuryente, dedo
Sa ulat, dakong alas-7:50 ng umaga ay nag­lilinis ng abandonadong bahay na pag-aari ng isang Marilou Paredes­ ang mga biktima malapit sa kanilang mining­ area na gagawin umano­ nilang pahingahan nang aksidenteng nahawa­kan ng isa ang kable ng kuryente.
STAR/File

JOSE PANGANI­BAN, Camarines Norte, Philippines — Sabay-sabay na nakuryente ang tatlong trabahador habang naglilinis ng abandona­dong bahay sa Purok-6, Brgy. Luklukan Sur, ng lalawigang ito kamakalawa ng umaga. Kinilala ang mga nasawi na pawang gold panner na sina Jhan-jhan Corbito, 25-anyos, binata, residente ng naturang barangay, Erwin Overa Borja, 35-anyos, may asawa at Wency Dias Bajaro, 28-anyos, mga residente ng Purok-7, Brgy. Gumaus, Paracale.

Sa ulat, dakong alas-7:50 ng umaga ay nag­lilinis ng abandonadong bahay na pag-aari ng isang Marilou Paredes­ ang mga biktima malapit sa kanilang mining­ area na gagawin umano­ nilang pahingahan nang aksidenteng nahawa­kan ng isa ang kable ng kuryente.

Agad sumaklolo ang dalawa, pero pati sila ay nakuryente rin at sa­bay-sabay na nangisay.

Mabilis namang sumaklolo ang mga residente at sinubukang isugod ang walang malay na mga biktima sa Jose Panganiban Pri­­mary Hospital pero lahat idineklarang dead-on-arrival.

vuukle comment

KURYENTE

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with