^

Probinsiya

Pulis patay sa ambush

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Pulis patay sa ambush
Ang biktima na namatay noon din ay nakila­lang si Police Executive Master Sergeant (PEMS) Agusto “Agot” Braganza na nakatalaga sa Tacu­rong City-PNP dahil sa tama ng bala ng baril sa katawan.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay ang isang pulis nang tambangan sa lungsod ng Tacurong kamakalawa ng hapon.

Ang biktima na namatay noon din ay nakila­lang si Police Executive Master Sergeant (PEMS) Agusto “Agot” Braganza na nakatalaga sa Tacu­rong City-PNP dahil sa tama ng bala ng baril sa katawan.

Ayon sa ulat, sakay ang biktima sa minama­nehong motorsiklo nito mula sa tahanan patungo sana sa kanyang sakahan.

Ngunit pagsapit sa Barangay Road, Purok Summer Snow, Barangay Baras, Tacurong City, dinikitan ito ng riding-in-tandem at pinagbabaril gamit ang kalibre .45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin pa­tungo sa direksyon ng town proper.

Sinabi ni Brgy. Baras Chairman Doroteo Deli­cana na wala naman umanong banta na natang­gap ang biktima bago pa man ito pinatay.

Hustisya ngayon ang sigaw ng pamilya ni Braganza habang nagpapatuloy ang im­bestigasyon ng Tacurong City PNP.

vuukle comment

PATAY

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with