5 naaresto sa illegal quarrying sa La Union
MANILA, Philippines — Naaresto ng mga pulis ang limang lalaki sa aktong nag-quarrying sa kahabaan ng Aringay River, Tubao, La Union, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang mga suspek na nahuli sa aktong nagsasagawa ng illegal quarrying na sina Lito Orencia, 40, pay loader operator; Sammy Laconsay, 50, backhoe operator; Irzo Mapalo, 50, barangay kagawad at operator dump truck; Rolly Salvatiera, 37, driver isa pang dump truck at Michael Orencia, 39, helper.
Ito ay matapos na mag-isyu ang La Union provincial government ng kautusan sa pagbabawal sa illegal quarry operations sa kahabaan ng Aringay River noong September 23, 2021.
Ang illegal quarrying sa Tubao ay nadiskubre matapos na makatanggap ng sumbong ang provincial government tungkol sa quarrying sa nasabing ilog.
- Latest