^

Probinsiya

5 ‘tulak’, tiklo sa drug buy-bust sa Bulacan

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tinatayang aabot sa mahigit P500K halaga ng ipinagbabawal na droga at P20K halaga ng marijuana ang na­bawi ng mga otoridad sa 5 hinihinalang tulak sa isinagawang drug buy-bust operation sa tatlong bayan at isang siyudad sa lala­wigan ng Bulacan, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni P/Col. Manuel Lukban Jr., ang mga naarestong suspek na sina Gregor Macalam ng Brgy. Graceville City of San Jose del Monte na nakumpiskahan ng 55 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P374K, Wilson Laureta ng Brgy. 181, Caloocan City na nakumpiskahan ng P136K halaga ng shabu at isang motorsiklo, Jeffrey Salinas ng Brgy. Sabang, Baliuag at kasama nito na si Cesar Reyes ng Brgy. Lambakin, Marilao, Bulacan na nakumpiskahan ng P15,844.00 ha­laga ng shabu at isang bloke ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P20K, isang Colt MK IV Caliber 45 pistol at si Christopher Lazaro ng Brgy. Lumang Bayan, Plaridel na nakumpiskahan ng 12 plastic sachet ng shabu na nagkakahalagang P12K.

Naaresto ang mga suspek sa isinagawang magkakahiwalay na drug bust operation sa lalawigan ng Bulacan ng iba’t ibang Stations Drug Unit at pawang mga High value target na nasa listahan ng PDEA drug watch list.

vuukle comment

BUY BUST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with