^

Probinsiya

Magsasaka na hindi pinagbentahan ng isda nagpaputok ng baril, arestado

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon
Magsasaka na hindi pinagbentahan ng isda nagpaputok ng baril, arestado
Kinilala ng Laur PNP ang naarestong suspek na si Rodel Fragata, 45, may-asawa ng nasabing lugar, habang ang biktima ay nakilala naman na si Randy Lopez, 33, may-asawa ng Barangay IV.
STAR/File

LAUR, Nueva Ecija, Philippines — Hinuli ng rumespon­deng pulisya ang isang 45-anyos na magsasaka makaraang magpaputok ng baril at pagbantaan ang kapwa nito magsasaka matapos umanong tumanggi na ibenta ng huli ang isda sa una sa hala­gang P100, sa Barangay Pinagbayanan, noong Huwebes ng hapon.

Kinilala ng Laur PNP ang naarestong suspek na si Rodel Fragata, 45, may-asawa ng nasabing lugar, habang ang biktima ay nakilala naman na si Randy Lopez, 33, may-asawa ng Barangay IV.

Ayon sa pulisya, alas-4:30 ng hapon, kasama ng biktima ang kanyang 8-anyos na anak na nami­mingwit ng isda sa ilog na nasasakupan ng Barangay Pinagbayanan nang bigla umanong napadaan ang suspek at nakita ang mag-amang biktima.

Nilapitan umano ni Fragata ang nakatatandang Lopez at sinabihan na bibilhin na lang nito ang mga nahuli nilang isda sa halagang P100. Tumanggi umano ang biktima sa alok ng suspek hanggang sa mayamot at umalis na lang ang suspek.

Hindi nagtagal ay bumalik ang suspek na may dala na umanong isang airgun rifle na nai-convert sa caliber .22 na baril at matapang umanong minura at pinagbantaan ng suspek ang biktima.

Ayon sa ulat, isang malutong umano na “Pu...g ..a mo. Babarilin at papatayin kita,” ang inusal ng suspek sa biktima.

Dahil sa takot at nerbyos, agad na tumalilis ng takbo palayo ang mag-ama hanggang sa makarinig umano sila ng isang putok ng baril na patungo umano sa kanilang direksyon ang bala.

Nagsumbong sa pulisya ang biktima at hindi nagtagal ay naaresto ang suspek, na ngayon ay sinampahan ng kasong grave threat sa provincial prosecutor’s office sa Cabanatuan City.

vuukle comment

BARIL

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with