^

Probinsiya

Lalaki sinalvage malapit sa sementeryo

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Lalaki sinalvage malapit sa sementeryo
Dinala na sa pune­rarya sa bayan habang patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan ng biktima na nakasuot ng itim na shorts,puting t-shirt,may mga tattoo sa katawan at tinatayang nasa 40-anyos pataas.

POLANGUI,Albay, Philippines — Nakasubsob nang matagpuan ng ilang residente habang nakagapos ang mga kamay ng bangkay ng isang hindi nakikilalang lalaki malapit sa sementeryo ng Sitio Balogo,Brgy.Sugcad ng bayang ito kahapon ng madaling araw.

Dinala na sa pune­rarya sa bayan habang patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan ng biktima na nakasuot ng itim na shorts,puting t-shirt,may mga tattoo sa katawan at tinatayang nasa 40-anyos pataas.

Sa ulat,pasado alas-5 ng umaga nagulat ang mga residente nang makita ang bangkay na nakagapos habang nakasubsob sa damuhang bahagi  sa kalsada at may tama ng punglo sa ibat’t ibang bahagi ng katawan.

Pinaniniwalaang itinapon lang ang bangkay nito ng mga salarin sa naturang lugar.Iniimbestigahan din kung may kaugnayan ang biktima sa natagpuan ding bangkay kamaka­lawa na nakaposas ang mga kamay at may mga tama ng punglo sa ulo at katawan sa Brgy.Buenavista Pio Duran na kalauna’y nakilalang si Jerphil Barba,30-anyos,residente ng Brgy.16-East.Washington Drive,Legazpi City.

vuukle comment

SALVAGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with