Rider nasabit sa dump truck, utas
DASMARIÑAS CITY, Cavite, Philippines — Dead on the spot ang rider makaraang sumabit sa likurang bahagi ng isang dump truck habang bumabagtas sa kahabaan ng E. Aguinaldo Highway, Brgy. Salitran 1, ng lungsod na ito,kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang nasawing biktima na si Joemel Tubay Orlanda, 24, driver ng NMAX Yamaha motorcycle, residente ng lungsod.
Arestado naman ang driver ng trak na nakilalang si Mark Kevin Viudez Valenzuela, 28.
Sa imbestigasyon, bago naganap ang aksidente, alas-11:00 ng gabi ay minamaneho ng biktima ang kaniyang motorsiklo at binabagtas ang nasabing highway nang aksidente itong sumabit sa nauunang Isuzu dump truck na may plate number CCN 1344 na minamaneho ng suspek dahilan upang tuluyan itong sumalpok dito.
Sa lakas ng impact,nawasak ang motor ng biktima at tumilapon ito kung saan napuruhan sa ulo na naging dahilan ng kanyang kamatayan.
- Latest