^

Probinsiya

Hindi nagbayad ng utang, pinagbabaril

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Hindi nagbayad ng utang, pinagbabaril
Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa leeg at katawan ay nakilalang si Darwin Centeno, residente ng nasabing barangay.
File

IMUS CITY, Cavite, Philippines — Kritikal sa pagamutan ang 37-anyos na tricycle driver matapos itong pagbabarilin ng umano’y pinagkakautangan ka­makalawa ng gabi sa Brgy. Buhay na Tubig ng lungsod.

Ang biktimang nagtamo ng mga tama ng bala sa leeg at katawan ay nakilalang si Darwin Centeno, residente ng nasabing barangay.

Naaresto naman ang suspek na na­kilalang si Crisanto Quimpano, 53-anyos, residente ng Brgy. Mambog 3. Bacoor City, Cavite.

Sa imbestigasyon, alas-10:30 ng gabi ay kasalukuyang nakapila sa terminal ang biktima at naghihintay ng pasahero nang dumating ang suspek na armado ng maiksing baril at walang sabi-sabing binaril ito ng 2 beses sa leeg at katawan.

Duguang bumagsak ang biktima habang tatakas sana ang suspek, subalit agad din itong naaresto ng mga nakakita sa pangyayari.

Narekober sa suspek ang 1 caliber .38 revolver, 3 piraso ng mga bala ng caliber .38 at  2 piraso ng  caliber .38 Shell.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, hindi umano binayaran ng biktima ang suspek sa pagkakautang nito kaya’t sa galit ay binaril ito.

vuukle comment

BARIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with