^

Probinsiya

Lider ng carnapping syndicate, arestado

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Lider ng carnapping syndicate, arestado
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Robinson Villamayor Belong, alias ‘Belong, 40-anyos. tubong Cordon, Isabela, residente ng B3,L14.Brgy. at umano’y lider ng Belong Carnapping Group.

GEN. MARIANO ALVAREZ, Cavite, Philippines — Nalambat ng pulisya ang lider ng isang carnapping syndicate sa isinagawang warrant operation, kamakalawa ng gabi sa Brgy. Kua ng bayang ito.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Robinson Villamayor Belong, alias ‘Belong, 40-anyos. tubong Cordon, Isabela, residente ng B3,L14.Brgy. at umano’y lider ng Belong Carnapping Group.

Sa nakalap na ulat mula sa tanggpan ni Ca­vite Provincial Director Police Col Marlon Santos, alas-6:00 ng gabi nang magsagawa ng warrant operation ang warrant personnel and intelligence operatives ng GMA-Police laban sa suspek.

Bitbit ang 2 warrant of arrest na inisyu nina Hon. Matias M Garcia II Presiding Judge of Regional Trail Court Fourth Judicial Region, Branch 19, Bacoor City, Cavite para sa crime of Carnapping na may criminal case number B-2013-664 at 1 pang warrant of arrest para naman sa kasong theft na may criminal case no B-2010-922, na inisyu ni Hon. Eduardo Israel Tanguanco, Presiding Judge Regional Trial Court Fourth Judicial Region Branch 89, Bacoor City, tinungo ng mga ito ang bahay ng target kung saan naabutan ang suspek at naaresto.

Nabatid na sa bayan ng GMA nagtago ang suspek matapos ang mga kinasangkutang kaso.

vuukle comment

CARNAPPING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with