4 sa 9 nawawalang mangingisda, bangkay na nang lumutang
MANILA, Philippines — Apat sa siyam na mangingisdang nawawala ang natagpuan na ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) search and rescue/retrieval operations.
Sinabi ni PCG spokesperson Commodore Armand Balilo, kinilala ang natagpuang mga nasawi na sina Sonar Operator Norberto Parlotzo ng Bantayan Island, Cebu; Piscador Rommel Engle ng Cadiz City, Negros Occidental; Piscador Julit Salvo ng Don Salvador Benedicto, Negros Occidental at isang hindi pa nakilalang mangingisda ng FB St.Peter The Fisherman II.
Magpapatuloy pa rin ang SAR operations sa iba pang nawawalang mangingisda kabilang sina Boat Captain Frankie Chavez (Toboso, Negros Occidental);Steersman Renante Forsuelo (Cadiz City, Negros Occidental);Chief Engineer Herminio Ronamo (Estancia, Iloilo); Cook Julian Dungog (Cadiz City, Negros Occidental); Third Engineer Manuel Auditor (Cadiz City, Negros Occidental).
Nabatid na September 24 nang lumubog ang fishing vessel sa karagatang sakop sa pagitan ng Tanguingui Island sa Northern Cebu at Gigantes Island sa Iloilo.
- Latest