^

Probinsiya

1st COVID-19 death, naitala sa Batanes

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

BASCO, Batanes, Philippines — Naitala ng lalawigang ito ang kauna-unahang kaso ng pagkasawi dahil sa COVID-19,ayon sa ulat ng provincial go­vernment.

Batay sa report, ang nasawing CO­VID-19 patient ay isang 70-anyos na lalaki na residente sa bayan ng Basco na unang nasuri na may acute respiratory failure secondary to pneumonia high risk secondary to COVID-19 confirmed-critical.

Sa pinakahuling talaan ng Department of Health, lumobo na sa 349 ang aktibong kaso sa buong lalawigan sa loob lamang ng dalawang linggo kung saan naitala sa bayan ng Basco ang pinakamataas na kaso na umabot sa 254.

Bukod sa Basco ay nagtala rin ng 5 pang mga bayan ng Batanes na kinabibilangan ng Uyugan na may 25; Mahatao-24; Ivana-19; Itbayat-14, at 13 naman sa bayan ng Sabtang.

Matatandaan na ang lalawigan ng Batanes ang kahuli-hulihang lalawigan sa bansa na nagtala ng unang kaso ng COVID-19 noong September 2020 kung saan umabot lamang sa 3 ang kanilang kaso bago magtapos ang 2020.

Mula Enero hanggang Agosto 2021 ay may 14 lamang na kasong naitala,subalit nitong September matapos manalasa ang bagyong si Kiko ay biglang tumaas ang kaso sa buong lalawigan kasunod ng 4 na naitalang local transmition.

Nasa ilalim pa rin ng Enhanced Community Qua­rantine ang buong Batanes hanggang October 4 dahil sa pagtaas ng COVID-19 cases.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with