^

Probinsiya

Lalaki, timbog sa 10 bundle ng pekeng pera

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon
Lalaki, timbog sa 10 bundle ng pekeng pera
Kinilala ang naa­restong suspek na si Teodoro Nepomuceno Carlos, jobless ng nasabing barangay bandang alas-9:30 ng gabi.
STAR/ File

JAEN, Nueva Ecija, Philippines — Arestado sa isang entrapment operation ang 58-anyos na lalaki makaraang makuhanan ng pulisya ng dalawang bungkos ng pekeng pera sa Barangay Marawa ng bayang ito, noong Sabado ng gabi.

Kinilala ang naa­restong suspek na si Teodoro Nepomuceno Carlos, jobless ng nasabing barangay bandang alas-9:30 ng gabi.

Ayon sa ulat, kapalit ng tunay na P1,500 bill ‘marked money’ nakabili umano ng dalawang bungkos ng perang mula sa bansang Iraq at Zimbabwe na pinaniniwalaang mga peke, ang police under cover agent.

Nang magkapalitan na ang dalawang panig ay dumating na ang arresting team at inaresto ang suspek.

Nang kapkapan si Carlos ay may nakuha pa umanong walong bungkos o bundle ng pekeng pera na Iraqi currency sa kanyang pag-iingat.

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa ­Forgeries article 168 o Illegal Possession and Use of False Treasury or Bank Notes.

vuukle comment

TEODORO NEPOMUCENO CARLOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with