^

Probinsiya

P30.4 milyong marijuana nasamsam

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umiskor ang mga operatiba ng pulisya makaraang masamsam ang aabot sa P30.4-M halaga ng marijuana sa tatlong malalawak na plantasyon ng marijuana sa Sadanga, Mountain Province.

Sa ulat sa Camp Crame ni Cordillera Police Director P/Brig. Gen. Ronald Lee, sinabi ni PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar, nasa 15,200 square meters ng plantasyon ng marijuana ang kanilang nadiskubre sa magkakahiwalay na bahagi sa Sitio Paras, Brgy. Saclit, Sadanga.

Nasa 152,000 puno ng marijuana ang nakum­piska sa tatlong clandestine cannabis farm, bukod pa sa bulto ng mga binhi at pinatuyong dahon nito na ang halaga ay aabot sa P30.4-M.

Gayunman, wala ni isa mang cultivator ang nasakote sa nasabing operasyon na pinaniniwalang mabilis na nakatakas.

Matapos anihin ay sabay-sabay na sinunog sa lugar ang mga marijuana habang ang ilang piraso nito ay ipinasakamay naman sa provincial crime laboratory para sa isasagawang pagsusuri.— Victor Martin

vuukle comment

GUILLERMO ELEAZAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with