^

Probinsiya

Biyaheng Lucena-Bicol 6 oras lang sa PNR trains

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinangunahan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade ang on-site inspection ng Lucena Station ng Philippine National Railways (PNR) kahapon.

Ang PNR Lucena Station, ay isa sa 35 stations ng 560-km PNR Bicol project, na magkokonekta sa Metro Manila at sa mga probinsya sa Southern Luzon, gaya ng Laguna, Quezon, Camarines Sur, at Sorsogon.

Sa tulong ng proyekto, magiging anim na oras na lamang ang biyahe patungong Bicol gamit ang regular trains, habang 4.5 oras sa express trains, mula sa dating 14 hanggang 18 na oras.

Ayon kay Tugade, ipinag-utos niya ang pagbibigay ng prayoridad sa mga lokal na residente bilang labor workers sa itinatayong proyekto sa sarili nilang lugar.

Pahayag naman ni DOTr Undersecretary for Railways Timothy John Batan, kabilang ang Lucena, San Pablo, Candelaria, at Pagbilao stations sa partial operations segment ng naturang rail line project, na inaasahan sa pagitan ng first at se­cond quarter ng 2022.

Nabatid na idinisenyo ang naturang istasyon bilang isang intermediate at elevated station na magseserbisyo sa passenger at cargo transport.

Nangangahulugan ito na walang anumang road intersection ang maaantala ng proyekto.

Sa sandali anilang maging operational ang PNR Bicol, nasa 3,749 direct jobs ang mage-generate nito, habang nasa 25,000 na trabaho naman kada taon, kabilang na ang indirect jobs.

vuukle comment

PNR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with