^

Probinsiya

Lalaking nakaposas, itinumba

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Lalaking nakaposas, itinumba
Dinala na sa punerarya at patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan ng biktima na tinatayang nasa 30-taong gulang, may mga tattoo sa katawan habang iniim­bes­tigahan ng pulis ang motibo at ang nasa likod nang pamamaslang.

PIO DURAN, Albay, Philippines — Bulagta sa kalsada ang isang hindi pa nakikilalang lalaki matapos pagbabarilin habang nakaposas ang mga kamay sa kahabaan ng kalsada ng Purok-4,Sitio San Isidro,Brgy.Buenavista ng bayang ito kamakalawa ng gabi.

Dinala na sa punerarya at patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan ng biktima na tinatayang nasa 30-taong gulang, may mga tattoo sa katawan habang iniim­bes­tigahan ng pulis ang motibo at ang nasa likod nang pamamaslang.

Sa ulat, dakong alas-6:30 ng gabi ay magkakasunod na pu­tok ang narinig ng mga residente sa naturang barangay at nang puntahan ang pinanggali­ngan ng putok ay nakita ang nakahandusay na biktima sa kalsada na nakaposas at may mga tama ng punglo sa ulo at likurang bahagi ng katawan.

Pinaniniwalaang dinala ng mga suspek ang biktima sa lugar at doon ito pinagbabaril.Nakuha sa lugar ang ilang basyo ng bala ng Kalibre 45 at Kalibre 9mm na baril.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with