^

Probinsiya

4 lalawigan, 6 lungsod sa Bicol nasa alert level 4

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
4 lalawigan, 6 lungsod sa Bicol nasa alert level 4
Sa datos na inilabas ng DOH-Bicol sa pa­ngunguna ng regional director na si Dr. Ernie Vera, alert level 4 na ang lalawigan ng Albay,Camarines Norte,Camarines Sur at Sorsogon at ang mga lungsod ng Legazpi at Tabaco sa Albay, Iriga City at Naga City sa Camarines Sur, Masbate City sa Masbate at Sorsogon City sa Sorsogon.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Isinailalim na ng Department of Health (DOH)- Bicol Center for Health Development sa alert level 4 ang apat na lalawigan at anim na lungsod sa rehiyon dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 at pagkapuno ng ilang pangunahing hospital.

Sa datos na inilabas ng DOH-Bicol sa pa­ngunguna ng regional director na si Dr. Ernie Vera, alert level 4 na ang lalawigan ng Albay,Camarines Norte,Camarines Sur at Sorsogon at ang mga lungsod ng Legazpi at Tabaco sa Albay, Iriga City at Naga City sa Camarines Sur, Masbate City sa Masbate at Sorsogon City sa Sorsogon.

Nakakaalarma na umano ang sitwasyon dahil sa 1,170 COVID beds na alokasyon sa Bicol Region ay 830 na dito ang nagamit at  sa COVID ward na inilaan ng mga ospital ay nasa 70.3 percent utilization na habang 81.4 percent utilization na rin ang inilaang intensive care unit (ICU).

Sa huling tala kahapon, 345 panibagong kaso sa Bicol ang naidagdag kaya umabot na sa 33,022 ang confirmed cases habang 9,332 ang aktibo at 1,041 lahat na ang nasawi.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with