^

Probinsiya

Engineer sinibak sa puwesto dahil sa graft

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Engineer sinibak sa puwesto dahil sa graft
Balak isampa ng DOJ sa pamamagitan ng NBI sa darating na araw ang kaso sa Ombudsman.
The STAR / Michael Varcas

LEGAZPI CITY, Albay — Tinanggal sa kanyang puwesto bilang district engineer ng 2nd Engineering District ng DPWH ng lalawigang ito si Engr.Danilo Villa matapos sampahan ng kasong graft ng isang kontraktor sa National Bureau of Investigation ­kamakalawa.

Si Engr.Villa ang pansamantalang pina­litan sa posisyon ng kanyang assistant na si Engr.Warren Asotea habang patuloy na dinidinig ang kaso sa Department of Justice.

Balak isampa ng DOJ sa pamamagitan ng NBI sa darating na araw ang kaso sa Ombudsman.

Maliban kay Villa,inihahanda na rin ang kaso laban sa ilan pa sa kanyang mga tauhan lalo na ang mga kasapi ng bids and awards committee ng Albay DPWH 2nd Engineering District na nakabase sa lungsod na ito.

Ayon kay Gerson Lisay ng G.O. Lisay Marketing, isa sa nagsampa ng reklamong anomalya at pang- aabuso sa posisyon laban kay Villa at iba pa ay nagpahayag ng malaking pasasalamat sa NBI at sa Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa kautusan nitong imbestigahan at sampahan ng kaso ang mga district engineers na may mga reklamo ng anomalya.

Malaking bagay umano ang hakbang ng gobyerno para malinis laban sa katiwalian ang kagawarang ito ng pamahalaan.

vuukle comment

DOJ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with