^

Probinsiya

Mister na ‘di nagbibigay ng suporta sa anak binoga ng dating misis sa mukha

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

PARACALE, Camarines Norte, Philippines — Isang 38-anyos na mister ang nasugatan sa mukha matapos barilin ng kanyang misis sa kalagitnaan ng kanilang pagtatalo, naganap sa loob ng kanilang bahay sa Purok-3,Brgy.Malaguit ng bayang ito kamakalawa ng gabi.

Nagpapagaling na sa sugat sa magkabilang pisngi ang biktimang kinilala lamang sa pangalang Año Porrat, residente ng naturang lugar habang nakakulong at nakatakdang sampahan ng kaso ang asawang si Oday,38-anyos,negosyante at residente ng Brgy.Labnig.

Sa ulat,alas-6:05 ng gabi ay kinompronta ni Oday ang kanyang mister na hiwalay na sa kanya ng limang taon dahil sa pumapalyang suporta sa kanilang anak.

Gayunman,naging mainit ang pagtatalo ng dalawa dahilan para kumuha ng hindi malamang kalibre ng baril si misis sa mini-compartment ng kanyang motorsiklo at malapitang binaril sa mukha ang asawa.

Tumagos sa magkabilaang pisngi ang punglo dahilan para isugod ang biktima sa rural health unit ng bayan pero mabilis na inilipat sa Labo District Hospital sa bayan ng Labo.

Arestado at nakatakdang sampahan ng kaso ang suspek na misis.

vuukle comment

UTAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with