^

Probinsiya

Task force binuo sa pagpatay sa ex-­mayoralty bet sa Abra

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Task force binuo sa pagpatay sa ex-­mayoralty bet sa Abra
“Nagpalabas na ako ng kautusan sa RD, PRO-CAR na bumuo ng isang Special Investigation Task Group upang mapabilis ang imbestigasyon sa kasong ito in the interest of truth and justice,” ayon kay PNP chief General Guillermo Lorenzo Eleazar na nagsabing kanyang tututukan ang nasabing kaso.

MANILA, Philippines — Bumuo na ng isang special task force ang Philippine National Police upang maresolba ang ginawang pagpatay sa isang doktora na dating kumandidato sa pagka-alkalde sa Abra. 

“Nagpalabas na ako ng kautusan sa RD, PRO-CAR na bumuo ng isang Special Investigation Task Group upang mapabilis ang imbestigasyon sa kasong ito in the interest of truth and justice,” ayon kay PNP chief General Guillermo Lorenzo Eleazar na nagsabing kanyang tututukan ang nasabing kaso. 

Ayon kay Eleazar, si Dr. Amor Trina Dait, isang resident doctor ng La Paz District Hospital ay pinagbabaril sa loob ng kanyang bahay noong Sabado ng gabi sa Barangay Poblacion, Pilar, Abra.

Dating kumandidato sa pagka-alkalde si Dait noong 2019 local elections. 

Isa ang Abra sa mga sinasabing hotspot sa panahon ng halalan.

Una nang inatasan ni Eleazar ang mga commanders na tiyaking ligtas ang kanilang nasasakupan bilang paghahanda sa presidential at local elections sa May 2022.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with