^

Probinsiya

Parak nangotong ng P.3 milyon sa drug suspect, timbog

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
Parak nangotong ng P.3 milyon sa drug suspect, timbog
Kinilala ni P/Lt. Col. Andree Michelle Abella, information chief ng Police Regional Office 2 (PRO2) ang nadakip na si P/Master Sergeant Sherwin Gamit, 38, nakatalaga sa warrant section ng Cauayan City Police at residente sa nasabing lungsod.
File

MANILA, Philippines —  Hindi na nakapalag ang isang pulis nang a­restuhin ng kanyang mga kabaro sa isang entrapment operation matapos umano nitong kotongan ng P.3-milyon ang isang drug suspect sa pamamagitan ng kapatid nitong babae kapalit ng pagsasaayos ng kanyang kaso sa Barangay District 1, Cauayan City, Isabela kamakalawa ng umaga. 

Kinilala ni P/Lt. Col. Andree Michelle Abella, information chief ng Police Regional Office 2 (PRO2) ang nadakip na si P/Master Sergeant Sherwin Gamit, 38, nakatalaga sa warrant section ng Cauayan City Police at residente sa nasabing lungsod.

Ayon kay Abella, si Gamit ay dinakip sa inilatag na entrapment operation ng pinagsanib na puwersa ng Regional Integrity Monitoring and Enforcement Team (RIMET), Isabela Police Intelligence Unit, at Cauayan City Police sa bahagi ng Rizal Avenue, Barangay District 1 dakong alas-10:00 ng umaga.

Nauna rito, dumulog at naghain ng reklamo sa pulisya ang isang Vanessa Velasques, residente ng Barangay Labinab, matapos siyang hingan ng nasabing pulis ng halagang  P300,000.00 para ayusin umano ang kaso ng kanyang kapatid na nadakip sa kasong pagtutulak ng droga.

Agad ikinasa ang entrapment operation at nang tanggapin ni Gamit sa nasabing babae ang P300,000 boodle money Lingid sa kaalaman ng pulis, nakipag-ugnayan na ang mga kagawad ng RIMET sa mga ope­ratiba ng Isabela Police at agad na dinakip si Gamit matapos makipagkita at tanggapin ang P300,000 na boodle money mula sa complainant.

Nakuha sa nasabing operasyon ang isang .22 caliber handgun na walang serial number, isang Glock 17 cal. 9mm police service firearm na may 3 loaded magazines, P5,055 cash, mga resibo, PNP identification card, ATM cards, iba pang mga IDs,  P300,000 boodle money at ang ginamit na Toyota Vios (BAA8607) service vehicle ng suspek.

Sinabi sa PSN ni Police Brigadier Gen. Steve Ludan, police regional director ng PRO2 na ang Cagayan Valley ay isa sa tahanan ng mga disiplinadong pulis sa buong bansa, subalit sa pangyayaring ito ay hindi niya kukunsintihin ang ginawa ng nasabing tauhan at mas mahigpit nilang ipatutupad ang kanilang internal cleansing program para linisin ang mga bugok na pulis sa kanilang hanay

Kaugnay nito, iniutos na ni PNP chief General Guillermo Lorenzo Eleazar ang pagsasailalim sa summary proceedings laban kay Gamit na nahaharap sa kasong kriminal at administratibo.  - Doris Franche

vuukle comment

KOTONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with