^

Probinsiya

Motor nag-dive sa boulevard, binata dedo

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

TABACO CITY, Albay, Philippines — Nagkalasug-lasog ang katawan ng isang rider matapos mawalan ng kontrol ang minamanehong motorsiklo at tumalon sa mataas na bahagi ng ginagawang boulevard sa Purok-5, Brgy. San Roque ng lungsod na ito kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan dahil sa pinsalang tinamo sa katawan ang biktimang si Ruel Bañares, 21-anyos, binata at residente ng Purok-6, Brgy. San Isidro, Sto. Domingo.

Sa ulat, dakong alas-11:30 ng gabi habang binabagtas ng Mitsukoshi RCS 125 na motorsiklo ng biktima ang kahabaan ng boulevard nang mawalan ito ng kontrol at diretsong nahulog sa hindi pa natatapos na ginagawang boulevard ng barangay na may lalim na apat na metro.

Sugatan at walang malay na isinugod ang biktima sa Ziga Memorial District Hospital pero idineklarang dead-on-arrival.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with