^

Probinsiya

Patay sa COVID-19 sa Cagayan Valley, pumalo na sa 2,949

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Umakyat na sa 2,949 ang bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19 sa buong Cagayan Valley (Region 2) habang lumobo naman sa 10,873 ang aktibong kaso, ayon sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) kahapon.

Sa report ng DOH-Cagayan Valley, nasa 40 ang nasawi sa COVID-19 kamakalawa (Linggo), 1,221 naman ang mga nagpositibo na naging dahilan para umakyat sa bilang na 94,650 ang total cases sa rehiyon, habang 79,702 ang naka-recover o gumaling.

Ang lalawigan ng Cagayan ang nangunguna sa listahan na may 5,005 active cases, 40,056 total cases at 1,393 death cases. Halos kapareho naman ang lalawigan ng I­sabela na may 4,474 active cases, 40,591 total cases, 1,148 deaths; Nueva Vizcaya na may 879 active cases, 9,814 total cases at 280 ang namatay; ang lalawigan ng Quirino ay may 494 active cases, 4,148 total cases at 128 deaths, habang ang Batanes ay may 21 active cases-38 ang total cases at wala pang naitatalang death.

Umabot naman sa mahigit 400,000 na indibiduwal ang nakatanggap na ng kumpletong bakuna kontra COVID-19 sa buong rehiyon.

Ayon sa datos ng National Vaccine Operations Center (NVOC), umabot sa kabuuan na 445,945 katao ang naturukan na ng kumpletong dose ng bakuna habang nasa 648,955 katao naman ang nabigyan na ng first dose ng COVID-19 vaccine.

Mahigit naman sa 1,133,800 COVID-19 vaccines ang naideliver sa 6 na lalawigan ng Rehiyon 2  na kinabibilangan ng Sinovac na may 703,160 na bilang; AstraZeneca na 214,300; Gamaleya-13,200, Pfizer-31,590, Moderna-51,780 at Janssen na may 119,150.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with