^

Probinsiya

7 NPA, sumuko sa Cagayan

Pilipino Star Ngayon
7 NPA, sumuko sa Cagayan
Ayon kay Lt. Col. Joe Boy Kindipan, Commanding Officer ng Infantry Battalion (77IB), kasabay ng pagbabalik-loob ng mga rebelde ay isinuko rin nila ang ilang matataas na kalibre ng baril sa tropa ng 77IB, Philippine Army, Marine Battalion ­Landing Team 10 (MBLT10) at PNP.

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Pitong miyembro ng New People’s Army na kinabibilangan ng isang babae ang nagbalik-loob sa pamahalaan, matapos sumuko sa tropa ng militar sa bayan ng Alcala sa lalawigang ito.

Ayon kay Lt. Col. Joe Boy Kindipan, Commanding Officer ng Infantry Battalion (77IB), kasabay ng pagbabalik-loob ng mga rebelde ay isinuko rin nila ang ilang matataas na kalibre ng baril sa tropa ng 77IB, Philippine Army, Marine Battalion ­Landing Team 10 (MBLT10) at PNP.

Kabilang sa isinukong mga armas ang isang M14 rifle na may 1 magazine, dalawang M653 rifles at 2 magazines, apat na M16 rifles at 35 mga ammunition.

Ayon kay Kindi­pan, ang pitong rebelde na nasa edad 18 ang pinakabata habang 26 ang pinakamatanda ay pawang miyembro ng East Front, Komiteng Probinsya (KOMPROB) Cagayan, Komiteng Rehiyon Cagayan Valley (KRCV).

Pinasalamatan din ni Kindipan ang tulong ng mga barangay officials sa pagsuko ng mga rebelde at ang suporta ng lokal na pamahalaan  na patuloy na humihimok sa iba pang mga nasa bundok na bumaba at yakapin ang kapayapaan.

Pinuri naman ni Maj. Gen. Laurence E. Mina, Commander ng 5ID ang tropa ng AFP at PNP dahil sa kanilang hindi matatawarang pagsisikap para tuluyang mawakasan ang insurhensiya sa kanilang nasasakupan. (VPM)

vuukle comment

NPA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with