^

Probinsiya

3 rape suspek, dinakma ng pulisya

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
3 rape suspek, dinakma ng pulisya
Kinilala ni P/Col. Andree Abella, information chief ng Police Regional Office 2 (PRO2) ang mga nadakip na sina Jerry Damasco, 54, top 7 most wanted provincial level at residente ng Barangay Bangag, Aparri, Cagayan; Ignacio Hidalgo, 63, ng Barangay Gomez, Cabarroguis, Quirino at Santos Lawek, 26, ng Barangay Cabaruan, Maddela, Quirino.

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Tatlong mga kalalakihan na pawang mga wanted dahil sa kasong panggagahasa ang dinakip ng mga awtoridad sa magkakahiwalay na lugar.

Kinilala ni P/Col. Andree Abella, information chief ng Police Regional Office 2 (PRO2) ang mga nadakip na sina Jerry Damasco, 54, top 7 most wanted provincial level at residente ng Barangay Bangag, Aparri, Cagayan; Ignacio Hidalgo, 63, ng Barangay Gomez, Cabarroguis, Quirino at Santos Lawek, 26, ng Barangay Cabaruan, Maddela, Quirino.

Si Hidalgo ay top 8 most wanted habang si Lawek ay top 9 sa Quirino.

Ayon kay Abella, ang pagkadakip ng mga akusado ay isinagawa ng mga operatiba ng pulisya sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ng korte dahil sa kasong rape.

Nasa kustodiya na rin ng pulisya ang tatlong mga akusado at nakatakdang dalhin sa court of origin.

vuukle comment

RAPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with