^

Probinsiya

11 babae nasagip sa ‘extra service’ sa spa

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasagip ng mga otoridad ang may 11 kababaihan mula sa dalawang spa na sinasabing nag-aalok ng “extra service” sa Antipolo City, Rizal.

Ayon sa lokal na pamahalaan ng Antipolo City, ang mga nasagip ng PNP Women and Children Protection Center at ng City Social workers mula sa Nitzi Touch Massage Spa at Miyuto Spa sa Barangay Mayamot, ay anim na kababaihan mula sa Quezon City at lima mula sa Antipolo.

Ang operasyon ng mga pulis sa dalawang spa ay ginawa nang malaman na bukod sa pagmamasahe ay nag-aalok din ng “extra service” ang mga nasagip sa P2,000 na sinisingil sa bawat customer.

Ang mga kababaihang ito ay isinalang sa  assessment ng social worker upang malaman kung kailangan silang iendorso sa shelter o ibabalik na lamang sa kanilang mga pamilya at bibigyan ng posibleng tulong o kabuhayan.

vuukle comment

EXTRA SERVICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with