^

Probinsiya

Lalaking nanlaban sa checkpoint, utas

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

SAN JOSE CITY, Nueva Ecija, Philippines — Patay ang isang lalaki na suspek umano sa pagnanakaw sa isang elementary school makaraang takbuhan ang inilatag na checkpoint at makipagbarilan sa pulisya sa Barangay Palestina noong Biyernes ng gabi.

Kinilala ni P/Lt. Col. Criselda de Guzman, hepe ng pulisya rito, ang napatay na si Jomar Sabado, nasa hustong gulang ng Barangay San Isidro, Lupao, Nueva Ecija.

Ayon sa ulat, alas-9:55 ng gabi noong Biyernes nang parahin umano sa checkpoint ng mga kagawad ng San Jose City PNP sa pamumuno ng kanilang team leader na si P/Lt. Al Guillermo ang suspek na lulan ng isang Bajaj 100 motorized tricycle para sa verification.

Imbes na huminto ay pinasibad umano ng suspek ang kanyang sasakyan at dito na siya hinabol ng mga parak. Hindi umano nagpasindak ang suspek at pinaputukan pa umano ang mga humahabol na tropa ng pulis.

Sa pagganti ng putok ng pulisya ay napuruhan ang suspek na siya nitong ikinasawi.

Narekober sa crime scene ang isang caliber .38 revolver ng suspek; 4 na basyo ng caliber .9mm; tricycle ng suspek kung saan nandoon umano ang sling bag na hinihinalang mga nakaw na gamit na gaya ng isang HP Laptop at isang Secosana shoulder bag.

Positibo umanong kinilala ang napatay na suspek sa nangyaring theft incident sa isang elementary school sa Barangay Abar 2nd sa lungsod ito, na nangyari umano noong araw ding iyon ng Setyembre 17.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with