^

Probinsiya

Police Major naglaro ng ari sa harap ng saleslady

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Police Major naglaro ng ari sa harap ng saleslady
Hindi na pinangalanan ng Camp Gen.Simeon Ola ang pangalan ng police major at kung saan ito nakatalaga.
STAR/ File

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Nahaharap sa kasong administratibo ang isang opisyal ng Philippine National Police matapos “paglaruan” ang kanyang “ari” sa harap ng isang ­saleslady sa Hong 1 Mall, F.Imperial St.,Brgy.Tinago ng lungsod na ito kamakalawa ng hapon.

Hindi na pinangalanan ng Camp Gen.Simeon Ola ang pangalan ng police major at kung saan ito nakatalaga.

Hindi na rin lumantad ang biktima makaraang makiusap ang suspek at nagkaroon ng kasunduan ang dalawa.

Ayon sa ulat, pumasok umanong nakasibilyan sa mall ang pulis at sa harap ng saleslady ay “pinaglaruan” ang kanyang ari dahilan para humingi ng responde sa mga gwardya na nakuhanan ng CCTV at nang arestuhin ay pinakita nito ang PNP-ID.

Ayon sa panayam ng media kay Lt.Col.Rodelon Betita, hepe ng Legazpi City Police Station, kahit nagkaroon nang pag-uusap ang suspek at biktima ay ipinarating pa rin nila sa PRO 5 ang report para sa posibleng pagsasampa ng administrative case.

Humingi naman ng dispensa sa publiko si PRO5 regional director Brig.Gen.Jonel Estomo at agad na nag-utos sa agarang imbestigasyon para papanagutin sa kabastusang ginawa ng pulis opisyal.

Hindi umano siya papayag na maapektuhan ang magandang imahe ng kapulisan sa rehiyon.

vuukle comment

CCTV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with