^

Pang Movies

Pagkatapos ng 44 years...TVJ pahinga muna ng two weeks, Jowapao tumanggi sa offer ng tape

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Pagkatapos ng 44 years...TVJ pahinga muna ng two weeks, Jowapao tumanggi sa offer ng tape
Jose, Wally at Paolo

End of an era.

Ito ang naganap kahapon matapos magpaalam sa Facebook account ng Eat Bulaga sina Tito Sotto, Vic Sotto, and Joey de Leon na kilala sa tawag na TVJ.

Hinarang nga raw silang mag-live show kaya sa social media siya nagpaalam habang parang normal ang mga pangyayari sa TV dahil replay episode ang isinalang.

Mga ala-una ng hapon nagsalita na sina Tito, Vic, and Joey sa FB ng Eat Bulaga.

Banggit ni Sen. Tito Sotto, “Pumasok po kaming lahat ngayong araw para magtrabaho, pero hindi po kami pinayagan ng new management na umere nang live.”

Bahagi naman ni Joey de Leon, “July 30, 1979 po, nang simulan namin ang Eat Bulaga…44 years na po ito ngayong taon.

“Kaya naman lubos ang aming pasasalamat sa mga naging tahanan namin---ang RPN 9 for 9 years, ABS-CBN for 6 years, at ang GMA for 28 years.”

Sabi naman ni Vic Sotto; “Salamat din sa lahat ng advertisers mula 1979 na.”

Dagdag ni Tito Sen, “Ganundin sa inyo, mga Dabarkads—sa mga manonood—sa inyong pagmamahal sa programang naging bahagi ng inyong tanghalian.

“Lubos din ang aming pasasalamat kay Mr. ­Tony Tuviera sa pagkakaibigan at pagiging bahagi ng aming pamilya… at higit sa lahat, sa Panginoong Diyos na kahit kailan hindi Niya kami pinabayaan.”

Dagdag ni Vic, para pormal nang magpaalam.

“Ito po siguro ang pinakamahirap na desisyon na ginawa namin simula 1979…hindi na po namin isa isahin pa ang laman ng aming puso.

“Ang hangad lang po namin ay makapagtrabaho nang mapayapa, walang inaagrabyado, at may respeto sa bawat isa.

“Simula ngayong araw, May 31, 2023, kami po ay nagpapaalam na sa TAPE, Incorporated.

“Karangalan po namin na kami’y nakapaghatid ng tuwa’t saya mula Batanes hanggang Jolo at naging bahagi ng buhay n’o.

“Maraming salamat po sa inyong lahat. Hanggang sa muli…

“Saan man kami dalhin ng tadhana, tuloy ang isang libo’t isang tuwa.”

Marami talagang naiyak at malungkot na malungkot sa naganap na pamamaalam ng TVJ sa programa.

Diumano, hindi naman sila mawawala sa ere. Dahil mapapanood sila sa ibang programa.

Under negotiation diumano ang lahat at kausap ng grupo si Mayor Albie Benitez ng Brightlight Productions para umere sa TV5.

Pero diumano Dabarkads na ang magiging title nito kung sakali at hindi na Eat Bulaga.

Samantala, agad namang naglabas ng official statement ang GMA 7 kahapon.

“We are saddened by today’s unexpected turn of events with regard to Eat Bulaga. GMA has been the home of Eat Bulaga for many years and we still have a block time agreement with TAPE until the end of 2024 for the noontime slot. Together with all the Filipino fans, we pray for a smooth and swift resolution of their issues.

“Maraming salamat sa patuloy na suporta, mga Kapuso.”

Kaya’t malinaw na hanggang 2024 pa sa network ang programa.

Wala pang lumulutang kung sino ang magiging hosts o papalit sa TVJ kung magla-live na ulit ito.

Dahil as of this writing, diumano’y replay muna ang mapapanood na episodes ng Eat Bulaga.

May narinig akong may offer daw ang TAPE Inc. kina Wally Bayola and Jose Manalo pero habang nagdi-deadline kami ay wala pang official statement.

Naging bahagi ng bawat Pilipino ang Eat Bulaga dahil sa tagal nitong napanood sa TV.

At ‘pag sinabi mong Eat Bulaga, TVJ ‘yun.

LJ, diborsiyado at may anak ang pakakasalan!

May isang anak din pala ang fiance ni LJ Reyes na si Philip Evangelista ayon sa aking source.

Yup, previously married din daw ito sa isang Pinay pero separated na nga.

Contractor daw ito sa bansa pero ngayon ay may regular job sa New York.

Pero ang isang sigurado ang source, lucky si LJ dahil napakabait daw nito.

Super chill, humble, and easy to talk to.

Forty-four years old na raw ito at medyo matagal na sila ni LJ.

Nasa America na raw ang buong pamilya ni Philip.

At may one thing in common nga raw sina Philip at LJ sa kanilang ex-partner, chika pa ng source.

The other day nga ay nilantad na ni LJ ang engagement nila ni Philip na napagkamalan palang bading.

vuukle comment

JOSE MANALO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with