^

PSN Palaro

Letran, St. Clare bakbakan agad sa D-League

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Letran, St. Clare bakbakan agad sa D-League
Agad naman itong susundan ng duwelo ng Centro Escolar University at AMA Online sa alas-12:30 ng umaga.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Mag-uunahan ang Wangs Basketball-Letran at Adalem Construction-St. Clare sa pagkopo ng buenamanong panalo sa pagsisimula ng 2022 PBA D-League Aspirants Cup ngayong araw sa Smart Araneta Coliseum.

Magtutuos ang Knights at Saints sa alas-10:30 ng umaga.

Agad naman itong susundan ng duwelo ng Centro Escolar University at AMA Online sa alas-12:30 ng umaga.

Kapwa kampeon ang Letran at St. Clare sa kani-kanyang liga.

Naghari ang Knights sa nakalipas na NCAA Season 97 men’s basketball tournament habang namayagpag naman ang Saints sa NAASCU men’s basketball tournament.

Ipaparada ng Wangs-Letran si veteran guard Fran Yu ngunit tatapatan ito ng Adalem Construction-St. Clare sa ngalan ni Johnsherick Estrada.

Maliban sa Letran at St. Clare, ang iba pang teams sa kumperensiyang ito ay ang EcoOil-La Salle, Builders Warehouse-UST, Apex Fuel-San Sebastian at Marinerong Pilipino.

Ang anim na mangu­ngunang koponan matapos ang eliminasyon ang papasok sa playoffs.

Ang Top 2 teams ay awtomatikong uusad sa semis habang ang matitirang apat ay maglalaban sa playoffs para sa huling dalawang tiket sa semis.

Lalaruin ang mga laro tuwing Martes sa Ynares Sports Arena sa Pasig City sa oras na 11 ng umaga, ala-una ng hapon at alas-3 ng hapon.

vuukle comment

PBA D-LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with