Blue Eagles nadagit si Garcia
MANILA, Philippines — Muling nagdagdag ng puwersa ang Ateneo de Manila University para sa tangka nitong mabawi ang korona sa UAAP Season 85 men’s basketball tournament.
Kinuha ng Blue Eagles si Filipino-American guard Paul Garcia para palakasin ang kampanya nito sa darating na season ng liga.
Ayon kay Blue Eagles head coach Tab Baldwin, malaking tulong si Garcia sa kanilang tropa lalo pa’t nabangasan ito ng ilang key players.
“We’re really happy to announce that Paul Garcia is committed to coming to Ateneo to be a Blue Eagle. Bringing Paul in, he’s not just a very, very dynamic point guard but a very well-rounded guard,” ani Baldwin.
Kabilang na sa nawala si SJ Belangel na nagpasyang mag-pro matapos pumirma ng kontrata sa isang commercial league sa Korean Basketball League sa South Korea.
“This is a significant signing for us in light of what happened last year with our graduation and the unexpected exodus of SJ Belangel, we’re left a little short in the point guard position,” ani Baldwin.
Maganda ang rekord ni Garcia na naglaro ng tatlong taon sa NCAA Division III school Salisbury University. Nagtala ito ng averages na 4.0 points, 1.4 rebounds at 0.7 assists sa huling season nito sa Salisbury.
“He also has a lot of maturity and experience being a guy that comes in as a college graduate with two years of eligibility,” ani Baldwin.
Masaya si Garcia sa pagpasok nito sa Ateneo na isa sa may pinakamagandang programa sa collegiate league.
- Latest