^

PSN Palaro

Quarterfinals slot pakay ng Ginebra

Russel Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Quarterfinals slot pakay ng Ginebra
Sasagupain ng Gin Kings ang Dyip ngayong alas-6 ng gabi matapos ang upakan ng Bolts at Elasto Painters sa alas-3 ng hapon sa 2022 PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Target ng Barangay Ginebra ang quarterfinals berth habang hangad ng Terrafirma, Meralco at Rain or Shine na makabangon sa kamalasan.

Sasagupain ng Gin Kings ang Dyip ngayong alas-6 ng gabi matapos ang upakan ng Bolts at Elasto Painters sa alas-3 ng hapon sa 2022 PBA Philippine Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Ang ikaapat na sunod na panalo ng Ginebra (5-1) ang muling magtatabla sa kanila sa San Miguel (6-1) sa liderato habang puntirya ng Terrafirma (0-6) ang una nilang panalo sa torneo.

Si assistant coach R­ichard Del Rosario ang muling gagabay sa Gin Kings dahil kasalukuyang miyembro si head coach Tim Cone ng coaching staff ng Miami Heat sa NBA Summer League.

“I’ve learned a lot from coach Tim through the years that we’re together and he is right, I cannot pretend or try to be like him because I would just be a poor copy,” ani Del Rosario.

Umiskor ang Ginebra ng 105-89 panalo sa Converge (2-5) noong Biyernes.

Nakatikim naman ang Terrafirma ng 86-114 kabiguan sa nagdedepensang TNT Tropang Giga (7-2).

Samantala, pipilitin ng Meralco (3-3) na makaba­ngon mula sa dalawang sunod na kamalasan habang ang five-game losing slump ang tatapusin ng Rain or Shine (1-5).

Si assistant Ronnie Magsanoc ang pansaman­talang hahawak sa Bolts habang wala si coach Norman Black na nasa US para bisitahin ang may sakit na ina.

“Whenever you lose, it’s a big concern because you’re going down within the standings,” ani Black matapos ang 89-90 pagkatalo ng Bolts sa Bossing (4-1) noong Huwebes.

vuukle comment

GINEBRA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with