^

PSN Palaro

Guiao umaasa sa pagbabalik ni Ravena sa Road Warriors

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Guiao umaasa sa pagbabalik ni Ravena sa Road Warriors
Kahit napahiga ay pinilit ni Gilas Pilipinas guard Kiefer Ra­vena na maagaw ang bola sa isang Indian player sa World Cup Qualifiers noong Linggo.
Russell Palma

MANILA, Philippines — Aminado si NLEX coach Yeng Guiao na hindi nakadetalye sa kanilang kasunduan ni Kiefer Ra­vena kung kailan ito maa­aring bumalik sa kanila mula sa paglalaro sa Japan B.League.

Ito ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin naglalaro si Ravena para sa Road Warriors sa 2022 PBA Philippine Cup.

“Hindi kasi nakalagay doon kung anong style ang pagbabalik eh. Puwede ba iyong magbalik ako diyan after one conference or kailangan bang magbalik ako diyan ng at least one season which is one year,” wika ni Guiao.

Pumayag si Guiao at ang NLEX management na lumiban si Ravena sa PBA matapos lumagda ng kontrata sa Shiga Lakestars sa B.League.

Nang matapos ang B.League season ay nagbalik sa bansa si Ravena at patuloy ang pakikipag-ensayo sa Road Warriors.

Inalok ng NLEX si Ravena ng maglaro ng isang season habang sa kasalukuyang All-Filipino conference lamang gusto sumalang ng point guard para sa kanyang pagbabalik sa B.League sa Oktubre.

“After we made the offer, nagkaroon ng stalemate. Wala pang desisyon ngayon si Kiefer,” wika ni Guiao sa dating Ateneo Blue Eagles star. “A­ctually, hinihintay namin siya. Mala­king bagay, malaking tulong siya kung makakalaro siya sa amin (NLEX).”

Samantala, muling pa­pagitna ang mga aksyon sa Philippine Cup bukas sa Smart Araneta Coliseum.

Sasagupain ng Barangay Ginebra (5-1) ang Terrafirma (0-6) sa alas-6 ng gabi at makakatapat ng Meralco (3-3) ang Rain or Shine (1-5) sa alas-3 ng hapon.

vuukle comment

YENG GUIAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with