Myanmar sasagupa sa Timor Leste
MANILA, Philippines — Magsisimula ang mga bakbakan sa Group B sa pagsagupa ng regional powerhouse na Myanmar sa Timor Leste sa 12th Asean Football Federation Women’s Championship sa Biñan Stadium sa Laguna.
Magtutuos ang mga Burmese, sumipa ng bronze medal noong 2019 edition ng torneo sa Chonburi,Thailand at sa nakaraang 31st Southeast Asian Games sa Vietnam, ang mga Timorese ngayong alas-7 ng gabi.
Sa alas-4 ng hapon ay magkikita ang Laos at Cambodia sa women’s Southeast Asian soccer competition na inorganisa ng Philippine Football Federation katuwang ang Philippine Sports Commission.
Sa Huwebes pa maglalaro ang defending champion na Vietnam laban sa Cambodia sa Biñan Stadium na pinagdausan ng women’s matches ng 2019 SEA Games.
Samantala, mabibili pa ang tiket para sa group matches ng 12th AFF Women Championship sa lahat ng SM tickets at online sa SMTickets.com.
Ang P400 at P300 ay para sa Grandstand Category 1 at 2 at ang P150 ay sa bleachers sa Rizal Stadium habang ang P300 ay para sa Grandstands ng Biñan Stadium at Imus Stadium sa Cavite.
Ang tatlong venues ay may limitadong seating capacity bilang pagsunod sa health and safety guidelines.
- Latest