Gumabao, Bernardo hahataw para sa Creamline
MANILA, Philippines — Muling maglalaro si veteran Michele Gumabao para sa Creamline bilang preparasyon sa Premier Volleyball League Invitational Conference na hahataw sa Sabado sa Filoil Flying V Arena sa San Juan City.
Bigo ang opposite hitter na si Gumabao sa nakaraang eleksyon kaya siya magbabalik sa Cool Smashers.
Huling nakita sa aksyon si Gumabao sa 2021 PVL Open Conference na idinaos sa Bacarra, Ilocos Norte kung saan sumegunda ang Creamline sa nagreynang Chery Tiggo.
Bukod kay Gumabao, hinugot din ng Cool Smashers si rookie Lorie Bernardo, isang middle blocker na naglaro para sa University of the Philippines sa nakalipas na UAAP season.
Unang makakatapat ng Creamline ang Open Conference third-placer na Cignal HD sa Hulyo 12.
Pinalakas nina Gumabao at Bernardo ang koponan ni coach Sherwin Meneses na nagkampeon sa nakaraang Open Conference noong Mayo.
Ipaparada ulit ng Cool Smashers sina reigning MVP Tots Carlos, team captain Alyssa Valdez, Jia Morado, Jema Galanza at Jeanette Panaga.
- Latest