Pinay booters sasagupa sa Aussies
MANILA, Philippines — Sasagupain ng Pilipinas ang bigating Australia sa pagsipa ng 12th Asean Football Federation Women’s Championship ngayon sa Rizal Memorial Stadium at sa Biñan Stadium sa Laguna.
Magtutuos ang Filipinas at ang mga Aussies sa alas-7 ng gabi matapos ang bakbakan ng Singapore at Malaysia sa alas-4 ng hapon sa Group A sa Rizal Memorial Stadium.
Ito ang unang pagkakataon na maglalaro ang mga Pinay booters sa harap ng kanilang mga kababayan matapos noong 2019 Southeast Asian Games.
Gagamitin ng Filipinas, muling gagabayan ni Aussie coach Alan Stajcic, ang kanilang bronze-medal fi-nish sa nakaraang Vietnam SEA Games sa pagharap sa Australia.
Ito rin ang magiging build-up ng national team para sa 2023 FIFA Women’s World Cup na idaraos sa Australia at New Zealand.
Sa alas-4 ng hapon magtutuos ang four-time champion Thailand at Indonesia sa Group A sa Biñan Football Stadium sa Laguna.
- Latest