^

PSN Palaro

SMB lumapit sa quarters

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
SMB lumapit sa quarters
Leo Austria.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Pinili ni San Miguel coach Leo Austria na hindi gamitin si six-time PBA MVP June Mar Fajardo sa fourth quarter para sa isang maliit na lineup.

Ang resulta nito ay ang pagkalas ng Beermen sa final canto patungo sa 122-106 paggiba sa NorthPort Batang Pier sa PBA Phi­lippine Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Humakot si Fajardo ng 21 points, 9 rebounds at 3 assists para sa ikatlong sunod na pananalasa ng San Miguel at muling solohin ang liderato sa bitbit na 6-1 record.

Iniskor ni Robbie Herndon ang 11 sa kanyang career-high na 21 markers sa fourth period tampok ang tatlong triples para sa kanilang 105-90 abante sa huling anim na minuto.

“We just picked up the defense in the fourth quarter and started hitting fastbreak points,” sabi ni Herndon na nagsalpak ng limang triples.

Nalasap ng NorthPort, naglaro nang wala si star guard Robert Bolick (sprained right ankle injury), ang pang-limang dikit na kamalasan matapos ang 2-0 panimula.

Huling naagaw ng Batang Pier ang bentahe sa 82-78 sa nalalabing 44.5 segundo ng third quarter bago bumigay sa final canto.

Itinala ng Beermen ang pinakamalaki nilang kalamangan sa 21 puntos, 111-90, galing sa basket ni Paul Zamar sa huling 4:48 minuto ng labanan.

Nagdagdag si Marcio Lassiter ng 18 points para sa SMB habang may 17, 15 at 12 markers sina CJ Perez, Zamar at Jericho Cruz, ayon sa pagkakasunod.

Pinamunuan ng 41-anyos na si Arwind Santos ang NorthPort sa kanyang 25 points, 7 boards, 5 blocks, 3 assists at 2 steals at may 20 markers si Roi Sumang.

vuukle comment

MVP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with