Sotto marami pang NBA opportunities- Guiao
MANILA, Philippines — Sa edad na 20-anyos ay marami pang pagkakataon si Kai Sotto para makapaglaro sa NBA.
Ito ang opinyon ni NLEX coach at dating Gilas Pilipinas mentor Yeng Guiao matapos mabigo ang 7-foot-2 na si Sotto na mahugot sa nakaraang 2022 NBA Rookie Draft.
“Ang tingin ko naman kay Kai, batang-bata pa siya eh. It does not mean that you don’t get drafted tapos na ang NBA dream mo. Hindi, hindi, malayung-malayo pa,” ani Guiao sa ‘Power and Play’ program ni Noli Eala.
Wala pang desisyon ang Pinoy basketball sensation kung ano ang kanyang susunod na hakbang.
“I think he has a window of another one or two years. Una siguro, still try to improve his game. Patunayan niya na deserving talaga siyang ma-draft or deserving siya sa PBA,” wika ni Guiao.
Hindi nasilip ng mga NBA teams si Sotto dahil sa paglalaro nito para sa Adelaide 36ers sa Australian basketball league kumpara sa mga napili sa NBA Draft.
- Latest