^

PSN Palaro

Gilas Women wagi ng tanso sa FIBA Asia

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Gilas Women wagi ng tanso sa FIBA Asia
Gabby Ramos of Gilas Pilipinas youth girls team.
FIBA

MANILA, Philippines — Ibinuhos ng Gilas Women ang ngitngit nito sa Lebanon matapos itarak ang 90-68 demolisyon upang masikwat ang tansong medalya sa 2022 FIBA Women’s Under-16 Asian Championship-Division B na ginanap sa Prince Hamza Sports Hall sa Amman, Jordan.

Matapos lumasap ng 65-94 kabiguan sa Samoa sa semifinals, mas naging dominante ang Pinay cagers para masigurong uuwi ito ng Pilipinas na may bitbit na medalya.

Nagtala ng pitong puntos na kalamangan ang Gilas Women sa halfttime ngunit umariba ito ng husto sa third quarter para makuha ang 67-48 bentahe.

Lumobo pa ito sa 32 puntos na kalamangan bago tuluyang isara ng Gilas Women ang laro.

Nanguna sa matikas na ratsada ng Gilas Women sina Gabby Ramos at Kristal Yumul na parehong humataw  ng 20 puntos habang naglista naman si Naomi Panganiban ng 16 puntos at siyam na rebounds.

Sa kabilang banda, nagtala si Angelina Bado ng 19 points at limang boards habang kumana si Nour Labban ng 12 markers para sa Lebanon na nagtapos sa ikaapat na puwesto.

Bigo ang Gilas Women na makapasok sa finals matapos yumuko sa Samoa sa semis.

Tanging ang champion team lamang ang papasok sa Division A.

Dahil dito, mananatili ang Gilas Women sa Division B sa susunod na edisyon ng torneo.

vuukle comment

GILAS WOMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with