^

PSN Palaro

Lady Blazers puntirya ang 6-0

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Puntirya ng College of Saint Benilde na hablutin ang ikaanim na sunod na panalo sa pagpapatuloy ng NCAA Season 97 women’s volleyball tournament nga­yong araw sa Paco Arena sa Maynila.

Ngunit daraan ito sa matinding pagsubok laban sa mapanganib na San Sebastian College-Recoletos sa kanilang pagtutuos sa alas-12 ng tanghali.

Matapos ang Benilde-Baste game, sunod na masisilayan ang engkuwentro ng Mapua University at San Beda University sa alas-2:30 ng hapon.

Namamayagpag ang Lady Blazers bitbit ang imakuladang 5-0 baraha.

Nakasunod sa ikalawa ang defending champion Arellano University (5-1) at ikatlo naman ang San Sebastian (4-1).

Galing ang Lady Bla­zers sa impresibong 25-17, 25-11, 25-12 panalo laban sa Lady Cardinals para ukitin ang kanilang ikalimang sunod na panalo.

Bida sa naturang laro si Mycah Go na naglista ng 12 hits at 10 receptions.

Maliban kay Go, naa­asahan din ng Benilde sina Jade Gentapa at Gayle Pascual habang si Cloanne Mondonedo naman ang sasandalan ng Lady Bla­zers sa playmaking.

Sa kabilang banda, mataas din ang moral ng San Sebastian na namayani sa University of Perpetual Help System Dalta sa bendisyon ng 24-26, 26-28, 25-20, 25-20, 17-15 desisyon.

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with