Russell Westbrook, mananatili sa Lakers matapos gamitin ang player option
MANILA, Philippines — Muling maglalaro para sa Los Angeles Lakers ang 2016-2017 NBA MVP na si Russell Westbrook matapos niyang gamitin ang kanyang player option na nagkakahalaga ng $47 million ayon kay Adrian Wojnarowski ng ESPN.
ESPN Sources: Los Angeles Lakers star Russell Westbrook is planning to exercise his $47.1 million option to return to the franchise for the 2022-2023 season.
— Adrian Wojnarowski (@wojespn) June 28, 2022
Ang nine-time All-Star point guard ay nakapagtala ng mga average na 18.5 points, 7.4 rebounds, at 7.1 assists kada laro nitong nakaraang taon para sa Lakers.
Tinanggap ni Westbrook, 33, ang player option ng kanyang kontratang pinirmahan noon 2018 na nagtatagal ng limang taon at may kabuuang halaga ng $206 million.
Hindi naging matagumpay ang unang season ni Westbrook sa Los Angeles. Ang Lakers ay nakakuha lamang ng (33-49) win-loss record na hindi sapat para umabot sa Play-in Tournament ng NBA.
Ang nine-time All Star point guard ay babalik sa koponan kasama pa rin ang mga All-Star teammates na sina Lebron James at Anthony Davis.
Si Westbrook ay nakapaglaro na rin para sa Oklahoma City Thunder (2008-2019), Houston Rockets (2019–2020), at Washington Wizards (2020-2021).
Natrade sa Lakers si Westbrook mula sa Wizards bago simula ang 2021-2022 NBA season kapalit nina Kentavious Caldwell-Pope, Kyle Kuzma, Montrezl Harrell, at isang first-round draft pick. — Philstar.com intern Jomarc Corpuz
- Latest