^

PSN Palaro

Benilde tuloy sa pananalasa

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Benilde tuloy sa pananalasa
Muling naglatag ng all-around game si Mycah Go na pumuntos ng 12 hits at 10 receptions para pamunuan ang Lady Blazers na makopo ang ikalimang sunod na panalo.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patuloy ang pana­na­lasa ng College of Saint Benilde matapos ilampaso ang Mapua University, 25-17, 25-11, 25-12, para manatiling malinis ang rekord nito sa National Collegiate Athletic Association (NCAA) Season 97 women’s volleyball tournament kahapon sa Paco Arena.

Muling naglatag ng all-around game si Mycah Go na pumuntos ng 12 hits at 10 receptions para pamunuan ang Lady Blazers na makopo ang ikalimang sunod na panalo.

Hindi rin nagpahuli si Jade Gentapa na gumawa ng 12 puntos gayundin si Gayle Pascual na nagdagdag ng siyam na puntos sa labang tumagal lamang ng 67 minuto.

Nakaatake ng husto ang Benilde sa tulong ni playmaker Cloanne Mondonedo na nagrehistro ng 18 excellent sets.

Maliban sa sets, na­kagawa rin si Mondonedo ng 10 digs at anim na puntos.

Bumagsak ang Lady Cardinals sa 3-2 marka para saluhan sa No. 4 spot ang Lyceum of the Philippines University na may parehong rekord.

Hindi nakaporma ang Mapua kung saan pitong puntos lamang ang nagawa ni Therese Manalo.

Maagang naglatag ng malakas na puwersa ang Lady Blazers para makuha ang 10-3 kalamangan.

Nagawa pa itong mapalobo ng Benilde sa 24-11.

Mula rito ay hindi na lu­mingon pa ang Lady Bla­zers para matamis na makopo ang panalo at makalapit sa inaasam na sweep sa eliminasyon.

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with