Williams ‘di muna iniisip ang kontrata sa TNT
MANILA, Philippines — Bagama’t hindi pa napaplantsa ang detalye ng kanyang kontrata ay patuloy na ibibigay ni Mikey Williams ang lahat ng kanyang makakaya para maipanalo ang TNT Tropang Giga.
Sa nakaraang 87-72 paggupo ng Tropang Giga sa Phoenix Fuel Masters ay humakot si Williams ng 27 points, 7 assists, 6 rebounds at 2 steals sa PBA Philippine Cup.
“I’m just trying to play basketball. That’s my focus right now,” wika ng PBA Season 46 Rookie of the Year awardee sa nangyayaring negosasyon para sa bago niyang kontrata.
“When it gets done, it gets done, but we’re pretty close. So I’m not really worried about that right now,” dagdag nito.
Hindi nakalaro si Williams sa unang limang laban ng TNT dahil sa hindi pa napapanalisang kontrata.
Sa kanyang debut game laban sa Rain or Shine Elasto Painters noong nakaraang Huwebes ay nagtala ang 30-anyos na Fil-Am guard ng 15 points sa 89-85 overtime win ng Tropang Giga.
Sinabi ni TNT coach Chot Reyes na mahalagang bukas ang kanilang komunikasyon ni Williams.
“Even from the start, when we were talking, I think the critical part was we had to keep our player-coach relationship strong and differentiate that from the player-manager relationship,” ani Reyes.
Si Reyes ang umaktong interim team manager nang magbitiw si Gabby Cui bago iipinasa ang trabaho kay Jojo Lastimosa.
“The key with Mikey that I guess a lot of people don’t know is he’s very coachable. You can be very direct with him. If he makes a mistake on the court, he actually prefers that you tell him directly,” ani Reyes.
- Latest