^

PSN Palaro

Lady Blazers lalapit sa pag-sweep sa NCAA elims

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Lady Blazers lalapit sa pag-sweep sa NCAA elims
Nakatakda ang engkuwentro ng Lady Blazers at Lady Cardinals sa alas-12 ng tanghali kasunod ang bakbakan ng Letran Lady Knights at nagdedepensang Arellano Lady Chiefs sa alas-2:30 ng hapon.
File

MANILA, Philippines — Magtatangka rin ang season host na College of Saint Benilde na makalapit sa matamis na sweep sa pagharap sa Mapua Uni­ver­sity ngayong araw sa NCAA Season 97 women’s volleyball tournament sa Paco Arena sa Maynila.

Nakatakda ang engkuwentro ng Lady Blazers at Lady Cardinals sa alas-12 ng tanghali kasunod ang bakbakan ng Letran Lady Knights at nagdedepensang Arellano Lady Chiefs sa alas-2:30 ng hapon.

Namamayagpag ang St. Benilde sa standings ta­ngan ang malinis na 4-0 rekord para solohin ang li­derato.

Nakadikit sa No. 2 ang Arellano at San Sebastian na may magkaparehong 3-1 baraha.

Nagmula ang Lady Bla­zers mula sa 25-16, 25-16, 25-16 demolisyon sa Emilio Aguinaldo College Lady Generals noong Biyernes para itala ang kanilang ika­apat na dikit na panalo sa torneo.

Sa kabila ng pamama­yagpag ay naniniwala si St. Benilde head coach Jerry Yee na marami pang kailangang ayusin.

Ayaw ni Yee na ma­ging kampante ang Lady Bla­zers.

“We’re being complacent. This is not to be arro­gant or whatever but I’m lo­oking at the team and see what are the things that could possibly be our downfall and that’s what I see,” sabi ni Yee.

Wala pang dapat ipagdiwang ang St. Benilde sa kabila ng kanilang 4-0 kar­tada.

“I’m looking at the level of excitement of our game, and we’re kind of flat. I hope I don’t come off as un­satisfied and perfectio­nist. We’re just looking for the things we can work on,” ani Yee.

Mataas din ang moral ng Lady Cardinals na su­ma­sakay sa isang three-game winning streak.

Tinalo ng Lady Cardinals ang Perpetual Help La­dy Altas, 20-25, 25-22, 25-23, 13-25, 15-12, noong Biyernes para umangat sa No. 5 seat.

vuukle comment

VOLLEYBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with