^

PSN Palaro

Parks isasama sa Gilas sa Asia Cup

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Parks isasama sa Gilas sa Asia Cup
Bobby Ray Parks
B. League

MANILA, Philippines — PIano ng Samahang Bas­ketbol ng Pilipinas (SBP) na maisama sa Gilas Pilipinas lineup si Bobby Ray Parks Jr. para sa FIBA Asia Cup na idaraos sa Hulyo 12 hanggang 24 sa Jakarta, Indonesia.

Wala pang pormal na pa­hayag ang SBP subalit ayon sa ilang source ay pinaplantsa na ang lahat pa­ra mapabilang ang ma­hu­say na player sa lineup ng Gilas Pilipinas.

Nais sana ng SBP na ma­kasama si Parks sa pagl­­alaro ng Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup Quali­fiers laban sa New Zealand.

Subalit hindi na ito na­isama dahil sa kakapusan sa oras para sa pag-aayos sa mga dokumentong kai­la­ngan sa pag-travel.

Nakapirma na ng kon­trata si Parks sa Nagoya Dia­mond Dolphins sa Japan B.League.

Natapos na ang unang taon nito sa naturang Japanese league subalit naka­kuha siya ng panibagong kontrata para sa susunod na season ng liga.

Wala ring magiging problema para sa Nagoya sa­kaling maglaro si Parks  para sa Gilas Pilipinas dahil pinapayagan ng Japanese team na maglaro ang mga miyembro ng national team sa mga FIBA tournaments.

Matatandaang nasila­yan sa aksyon sina Thirdy Ravena at Dwight Ramos — na parehong naglalaro noon sa Japan B.League — kasama ang Gilas Pilipi­nas.

Nakita si Parks sa laro ng Barangay Ginebra at San Miguel Beer sa PBA Governors’ Cup sa Mall of Asia Arena noong Biyer­nes.

Katabi ni Parks si PBA Commissioner Willie Marcial sa courtside seat ng MOA Arena.

May 11 players lamang ang nasa lineup ng Gilas Pilipinas para sa FIBA World Cup Qualifiers.

Ang koponan ay ki­na­bibilangan nina RJ Abar­rientos, SJ Belangel, Rhenz Abando, Geo Chiu, Lebron Lopez, William Navarro, Kevin Quiambao, Dwight Ramos, Carl Tamayo at Dave Ildefonso na guma­ling na mula sa ankle injury.

vuukle comment

BOBBY RAY PARKS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with