^

PSN Palaro

Lady Stags nalusutan ang Lady Altas

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakabangon ang San Sebastian College-Recoletos sa pagkakalugmok para itakas ang 24-26, 26-28, 25-20, 25-20, 17-15 come-from behind win laban sa University of Perpetual Help System Dalta kahapon sa National Collegiate Athletic Association Season 97 wo­men’s volleyball tournament sa Paco Arena sa Maynila.

Naging matibay na sandalan ng Lady Stags si Reyann Cañete na gumawa ng 25 puntos para makuha ng kanilang tropa ang ikaapat na panalo.

Sumalo ang San Sebastian sa ikalawang puwesto sa defending champion Arellano University na may parehong 4-1 kartada.

Nakatuwang ni Canete sa ratsada si Katherine Santos na humataw ng 18 puntos habang naglista naman sina Kristine Dionisio, Kamille Tan at Bianca Ordona ng tig-10 puntos.

Nakagawa si Alexia Sison ng 20 excellent sets habang naglista naman si libero Jewelle Bermillo ng 14 digs at 14 receptions sa larong tumagal ng dalawang oras at 21 minuto.

“Maganda ang sitwasyon namin ngayon kasi kapag one or two ka, ikaw yung may twice-to-beat advantage. Yun talaga ang hinahabol namin kaya kailangan naming ma-maintain yung position namin,” ani San Sebastian coach Roger Gorayeb.

Nanguna para sa Lady Altas si Rose Dapol na bumanat ng 18 puntos habang nagdagdag naman si Razel Aldea ng 14 hits.

Hindi rin napakinaba­ngan ang 11 puntos at 11 digs ni Charmaine Ocado gayundin ang 10 points ni Hannah Suico para sa Perpetual Help na nahulog sa No. 5 spot bitbit ang 2-3 baraha.

Magpapatuloy ang bakbakan sa Martes kung saan magtutuos ang nangu­ngunang College of Saint Benilde at Mapua University sa alas-12 ng tanghali gayundin ang Arellano at Colegio de San Juan de Letran sa alas-2:30 ng hapon.

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with